Wednesday, October 2, 2013

Sulat sa Post Office



Kasagsagan ng pagkatirik ng araw ng pumunta ako sa post office para ibigay ang  card na ipapadala ko kay boyfie. Wala pang ala una ngunit naasikaso na ako, isang bagay na na ipinagtatako ko. Huling hulog ko ng sulat, naasikaso din naman ako kahit na lunch break pero nasabihan ako na hindi sana dapat ganun dahil lunch break daw.

Maliban dun, napuna ko yung nakapaskil sa labas na open on Saturdays and Requirements for Postal I.D. Nais ko pang magtanung tanung dala ng kuryosidad kaso bigla akong dinalaw ng hiya. Kaya, hindi ko alam kung open nga on Saturdays and kung nag eentertain sila for Postal I.D. Meron na akong Postal I.D. na ginamit ko noon for verification purposes lang, sabi nga nila easiest way para magka I.D. na may life span na 5 years. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano pang ibang gamit ng Postal I.D. at ano nga ba talaga ang totoong gamit nito. (Sa main office ako nagpagawa ng Postal I.D)

Kalunus lunos ang paligid, walang kabuhay buhay ang opisina. Buti na lang, medyo maayos ang pagkakaattend sa akin. (Kadalasan kasi intimidating at masusungit ang mga government employee). Nagkkwento naman siya at hindi nagpapakita ng pagkabagot sa mga katanungan.

Maraming nakalipas na kaugalian ang nais ko sanang magpatuloy hanggang ngayon. Awkward man ng konti, siguro susubukan kong buhayin and gagawin kong sariling tradition ang pagsesend ng card. Mas may effort and personal touch?

Nakakapanghinayang man, wala akong litrato ng pinadala kong sulat. Mukha namang mabigat yung pinadala ko pero 15pesos lang ang binayaran ko. Dati 20pesos ang binayaran ko. May nabanggit siya sa akin na ordinary at special delivery ngunit nabigo siyang ipaliwanag sa akin ang bagay na un. Sinabi niya na parehas din naman na darating sa Manila kinabukasan ang ordinary at special delivery. Kaya pinili ko na lang yung ordinary dahil yun din yung ginamit ko dati kung saan 5 araw bago natanggap ni boyfie ang letter ko. Tinanong ko din kung kailan kaya makakarating this time yung letter na pinadala ko, ngunit nabigo ulit siyang sagutin ang katanungan ko. Hindi na daw nila hawak ang bagay na yun basta kinabukasan wala na daw yung sulat sa kanila. NCR naman daw yung pagpapadalhan ko kaya baka mas mabilis matanggap this time.

Last say?
Isaalang alang sana nila ang aesthetic  when it comes to offices of government agencies saka sana naman icomputerize na nila ang sistema nila. Ilang taon na lang surplus na din ang bansa natin sa mga I.T. graduates pero ang gobyerno natin na siyang parang backbone ng bansa natin is hindi pa rin yumayakap sa pagbabago. Nabanggit din yung kakulangan ng kartero, may konting lungkot akong naramdaman sa part na yun. Daming porks na nasasayang, dapat consistent projects na lang.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...