Friday, June 28, 2013

HINDI AKO MARUNONG MAG FAX


Uu masakit isipin at nakakahiya ang hindi ko marunong na pag fafax. Infotech graduate pa mandin ako. Sa mga sandaling yun, ramdam ko ang matinding kagustuhan na lamunin na lamang ng buhay ng lupa. Nakapagtapos ako ng kolehiyo baon ang karunungang kinalulugod, ngunit hindi ako marunong magfax…

Sinisiklaban ako ng matinding kahihiyan…

Nais kong umiyak… :D

Masisisi mo ba ako, isa lamang akong simpleng nilalang na mapalad na nakakain pa ng tatlong beses sa isang araw bagaman napabilang sa mga naghihikahos ang pamumuhay. Isa ako sa mga naglakas loob sumugal sa larangan ng makabagong teknolohiya  kahit na walang sapat na kasangkapan sa aking kapaligiran.

Umaasa ako na ang estado ko sa buhay ay hindi hahadlang sa pagkamit ko ng tagumpay, ang pag usbong ko mula sa hirap patungong kasaganahan. Maging inspirasyon ko sa mga kagaya ko...

Sa ngayon, ang maari ko na lang gawin ay tanggapin ang kahihiyang aking matatanggap mula sa mga taong alam na ata lahat ng bagay habang sasabayan ng pagsisikap na maragdagan pa ang aking kaalaman.

At dahil sa nangyari, aking nilipon ang saglit na natalos ng muli akong humingi ng tulong sa pagfafax.

1. Mainam na tawagan muna ang lugar na pagfafaxan. Sa gayon, malalaman mo kung gumagana nga ba ang kanilang fax machine. Maaari din namang pagkafax na lang saka tatawagan, yun ay kung sigurado ka at matagal mo ng ginagawa ang pagfafax. (May bagay na hindi ako naintindihan, dial tone or fax on kapag tatawag. Sa mga nakakaalam, isang malaking tulong ang pagpopost sa comment section ng aking blog)

2. Ilagay ng patalikod ang fax na ipapadala. Kung dalawang o higit ang pahinang ipapadala, mas naaangkop na ilagay na ang lahat ng pahina sa fax feeder.

3. Ilagay na rin ang kalahating pahina na magsisilbing resibo ng padala. Siguraduhing tama ang pagkakalagay ng papel.

4. Pindutin ang Send button.

5. Tawagan ang linyang pinadalhan upang mapatunayan ang pagkakatanggap ng fax.

Huwag kakalimutang maging magalang sa pakikipag usap sa telepono.


-Ang ideyang maari kang pagsimulan ng katatawanan ay parte lamang ng pagsubok na iyong madaraanan.
-Huwag hahayaan at patunayan mo sa iba at higit sa sarili mo na hindi ka lamang gaya ng iniisip nila. Lahat ay nagsisimula sa wala.






Update 08/22/13
This is my second time I send a fax; still I was assisted since I got it wrong….
So here’s another thing I have learned:

Dial the phone number and wait until you will hear the beeping tone and then press send. But before that, you should put the letter you will send in the first feeder. You will notice there are two feeder. The one located at the back is where the receipt will be printed.

Paper should be facing back…

4 comments:

  1. aux lhn ean..ngpaturo k zna z glassworld..ngfafax cla dun

    ReplyDelete
    Replies
    1. panu mu naman nasabi sharm? minsan ba nagpafax ka na? mejo alam ko na nalilimutan ko lang minsan kasi hindi naman ako lagi gumagamit nun, wala kasi kaming ganun sa bahay eh... :D nyahaha

      Delete
  2. hehe... May naalala ako tungkol sa fax... Scenario, sa office kami...nagring ung telefax, yung trainee ang sumagot ng ph0ne... Sabi nung nasa kabilang line, "Fax tone please"... Bigla nagtan0ng yung trainee samin... Sino si faxtone?... Hehe... Sa kalagitnaan ng meeting natawa kaming lahat dahil may naghahanap daw kay Faxtone...

    Akalain mo ba namang mapagkamalang tao yun... Sabagay tun0g foreign name eh... Haha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dami ko tawa sa faxtone joke mu Anon. UU nga naman kasi, buti di ako nabiktima diyan.. lol.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...