Tuesday, June 25, 2013

Tea Tayo…

Naisipan kong mag-tea dahil naubusan ako ng milo. At tinatamad akong mag English… at update ko muna ang blog ko kahit taglish.

Green Tea ng Lipton

Bakit nga ba?…
-malamig sa office
-back ache
-abdominal pain
-post dsymenorrhea.

Ito isa sa mahirap ireview kasi intake siya. Mahirap pakiramdaman if yung mga following changes sa body mo eh cause ng pag inom ng tea, or wether yung pag inom mo ng tea ang siyang magiging dahilan ng pagganda ng skin or waeber. Effects are still caused by combination of factors.

Nagtataka ako minsan despite na marami daw naitutulong ito sa katawan like antioxidant daw ito and the likes eh madami pa ring umiiwas sa pag inom ng tea. Some religions even forbid their members of drinking such teas.

Lipton Tea:
Di ko makita yung expiry date. Sana  naka include dun sa handle nung Lipton product

UNDECIDED:
- Can kill bacteria
- Relieve stress and anxiety. Ginagamit na gamot sa head ache at depression nung unang panahon.
- Antioxidant = prevent cancer
- Stronger Bones
- Heart - Pinapababa niya level of cholesterol at nagpapabilis ng recovery ng heart cell. Pero may caffeine siya na is not good for the heart din.


DISLIKES:
- Weight loss. Payat na ako, baka lalo ako pumayat
- Caffeine.
  Pinakainiiwasan ko. Mas madami pa daw ang percentage ng caffeine sa tea. Good for you if you have a high physical tolerance of caffeine. Manginginig ka, hindi ka makakatulog agad, nenerbiyosin ka. Other claims na mas maliit naman yung caffeine ng green tea compared to black tea.
- Nakaitim ng ngipin. Kape din naman nakakaitim diba. Pero parang mas nakakaitim ang tea.
- Acidity. Maaaring makasakit ng tiyan. Pero meron din namang umiinom ng tea pag masakit ang tiyan. LBM kaya?



LIKES:
- Masmabisa daw sa vitamin C at vitamin E. Vitamin E means gaganda ang balat ko. Though I have this feeling na nakakadry ng balat ang tea.
- Anti-Aging

Okay lang ba sayo na umitem ngipen mo?
Okay lang ba sayo na pumayat?
Okay lang ba sayo na magkaacid sa tiyan mo?
Okay lang ba sayo nerbiyosin dala ng caffeine?

Gusto mo bang makaiwas sa cancer?
Gusto mo ba umiwas sa pagtanda?
Gusto mo ba ng healthy eyes?
Gusto mo ba madetoxify ang iyong katawan?
Gusto mo bang maimprove ang iyong memory?
Gusto mo masharpen ang mental focus?

Minsan kailangan din nating isipin kung kailangan nga natin ang isang bagay. Tandaan na maraming pagkain diyan na makakapagbigay din ng parehas na nutrisyon . Tamang pangangalaga at pangangailangan.

Umiinom ka ba ng green tea?


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...