Monday, July 15, 2013

Kwentong Trabaho atbp.


Stress.
Ang stress, parang hindi naman sa work nanggagaling kundi sa mga katrabaho mo na nagpapasakit ng ulo. Stress, minsan galing sa boss, o kaya sa bullyng workmate. Mahina kung wala kapit, o mahina ka kung nagbabait baitan. Mahina kung di kasundo workmates, mahina kung hindi in. Mahina kung nagkataon na seloso/selosa mga workmates.

Ahh.. part of working life, something that is “Inevitable”. Simple na ginagawang komplikado. Working Life.

Miscommunication
May mga taong mahirap pakisamahan. My mga matataas na tao na nagpapasakit din ng ulo. Kasi meron naman “professionalism” na pwedeng ipampalusot. Rarely do I find collegues with leadership quality, and if i find one, i cant help but to adore them. Sa ganung simpleng paraan, hindi pang aabuso sa kapangyarihang kasalukuyang tinatamasa, magiging isang huwarang modelo sa mga mata ng mga susunod na henerasyon. Pero hindi eh, maraming matitigas ang ulo, mapaboss man o mababang empleyado. Pag minsang nawala ang istriktong kaugalian, maglilipana ang mga abusado sa kapangyarihan. Filipino needs to humble themselves.

Speaking of susunod na henerasyon, sa paraalan pa lang naipapakita na ang korupsyon at maling pamamahala. Andiyan din yung hindi magandang samahan ng mga guro sa isa’t isa. Pati sakanila may inggitan, at ang masaklap, mismong guro pa ang nangunguna sa korupsyon. Sa paaralan mismo, hindi nagkakaroon ng team building. Eh baket nga ba? Eh mismong mga guro hindi magkakasundo. Nariyan yang mga bully na hindi man lang maasikaso. Madaming kailangang baguhin. Idagdag mo pang pinahaba ang stay ng mga estudyante sa paaralan, K12. Ang ratio ng guro sa estudyante? Wala pa rin. Paano matututukan ng mabuti ng guro ang estudyante kung napakadaming mga bata sa isang silid aralan? Mga subjects na walang kwenta.

Kahit man lang sana ang nagawa nang pagpasok ko  ng mahabang panahon sa paaralan ay yung pagkabuhay ng interes sa pag aaral. Na masarap pa lang  matuto. Sa kasamaang palad, hindi ko natutunan yun sa paaralan, bagkus kusa kong narealize sa sarili ko mula sa mataimtim na pagmumuni muni na hindi ako dapat umasa sa bulok na sistema na kinabibilangan ko ngayon, na wala akong maaasahan sa kanila dahil sarili ko lang ang maaasahan ko.

Bago magkaroon ng pamilya, nararapat lamang na handa sila sa responsibilidad na hatid nito. Eh sa ngaun? Nagsisipag anakan na lang atbp. Inuuna ang init ng katawan. Instinct ng hayop, pero tao tayo at may UTAK. Sabi ni Jim Rohn, ang mga magulang natin ay may natatanging kakayahan na magbigay impluwensiya. Isang lugar kung saan madaling pagsimulan ng pagbabago. But parents can damage their children  too.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...