Gabi nanaman. Bukas pasok ulet. Bukas trabaho ulet.
Tutungaga, gagawin ang trabaho, ishushut down ang utak. Pag kauwi matutulog
dahil pagod. Bakit nga ba pagod? Wala naman ganung ginawa. Tapos weekend.
Maglalaba. Pagod. Matutulog. Weekdays ulet. Trabaho. Tulog. Laba. Tulog.
Sana okay lang siya. Mukang gusto niyang mapag isa. Ah
hindi, hindi lang pala ako makapaghintay. Akala ko ipagsasantabi muna niyang
makasama ako.
Napakalungkot ng gabi. Napakatahimik. Nakakamahay. Tila ba
patay ang paligid dala ng walang simoy na hangin. May mga kulisap na
nagsisihunihan na para bang nagpapalapit sa aking sarili sa kalikasan.
Bukas, parang walang nangyari. Muling makikigulo sa ingay ng
mga isipang gustong laging nangunguna. Parang ayaw ko ng muling imulat ang
aking mata sa nakakasilaw na liwanag na kung di mag iingat ay maaaring
humantong sa pagkabulag.
No comments:
Post a Comment