Kahit
isang araw lang, isang gabi o kaya limang oras. Ay hindi. Kahit isang oras
lang. Basta planado. Isang oras sa
isang linggo na nakalaan para sa akin. Nakaschedule. Talagang nakalaan. Araw
araw nandito ka. Pero may times na natatakot ako, hanggang kailan? Alam ko na
may paghihirap at sakripisyo ka din. Gusto ko ipagsawalang bahala na lang. Iisipin
na napakasaya ko. Pero hindi ko kayang lokohin sarili ko. Lalo na ang lokohin
ang mga sarili natin. Pero ayaw ko din bigyan ka ng alalahanin. Dahil ayaw din
kitang mawala. Minsan naiisip ko na selfish lang ako. Hindi naman kasi ako
demanding. Pero dahil wala akong saya sa sarili ko, na minsan sayo ko din lang
nahuhugot, hindi din ako makapagbigay ng saya sa tuwing magkausap na tayo. Minsan
ang pangit lang kasing isipin na binigyan mo na ng limitasyon. Yung mga pahirit
mu minsan is parang pilit lang. Ang sabi mo, 12-1 at 5-8 ka. Parang business
deal. Nakikisosyo lang ako. Parang kabit din lang. Scheschedule lang. Gusto ko
sana tanungin pano pag sa espesyal na araw. Panu pag weekends? Panu pag may
work ka na?? Panu pag sa hinaharap may mas importante ka pang gagawin? Pero
ayaw ko ng tanungin at mabuting hindi na lang ako umasa. Kapag lunch at dinner
lang pwede. Hihintayin ko pa siguro na matapos kang kumaen o kaya matapos ka sa
iba mong gagawin. Kung may natira pa, sana pwede pang matawag na quality time.
Sana nga hindi delayed. Sana tutok ang atensyon. Nakapaghanda. Sa sabado at
linggo ganun din, yun lang masyado akong libre at tutunganga lang at ikaw gaya
ng dati busy pa din. In short there's nothing to look forward. Sana palagpasin
mu kahit yung araw lang na yun sa isang buwan.