Wala lang
nalate kasi ako. Naisip ko ang mahal ng pamasahe. Wala ding initiative si
manong drayber na magsukli ng tama. Bakit hindi eh sahod nya yun diba. Dun
nakasalalay sahod niya. From P15
sana eh naging P20. Dapat nga P10
pesos lang yun eh. (Kuripot?) Nakakahiya kasi minsan dahil meron din yung ibang drayber na mang aaway, mambabagsak
ng coins o kaya naman titingnan yung binigay mo ng matagal na para bang
nakakita siya ng something sa palad niya na first time lang niya nakita sa
tanang buhay niya. Pangit din naman sa side ng pangkaraniwang tao ang mapagsamantalahan dulot ng walang kaalaman. Maiisahan. Panggugulang. Minsan nakakahiya din naman yung makikipag argue ka sa rights mo pero mali ka na pala. Yun
bang magagalit ka kay drayber kasi mali sukli nya tapos pag uwi mo malalaman mo
na lang na that day pala eh kapapatupad lang ng price hike. Anu ka ngayon?
Kahit na
wala akong kaide-idea kung paano ang kalakaran, sa balitang tataas ang pamasahe at kuryente, parang bumigat yung pakiramdam ko. Madadagdagan ang
porsyentong mababawas sa sahod ko. Meron diyan tricycle drayber, sa pribadong
paaralan nag aaral ang anak. Kaya naiisip ko minsan, ganun na kaya kalaki
kinikita nila?
Para saan
pa yung list ng pamasahe ng nakapaskil sa tricycle kung parang arkila din naman ang nasusunod? Panu ba
mawawala ang mga drayber na namimili ng pasahero?
Kung sana
sinabi kong kulang yung sukli..
Kung sana
may barya ako...
o.. KUNG
SANA MAAGA AKO!...
No comments:
Post a Comment