Sunday, December 22, 2013

Tara Magbasa ng Dyaryo

Tara Magbasa ng Dyaryo

Napagod naman daw ako magbasa ng dyaryo at sumakit pa nga ata ang ulo ko. Nagkataong nakita ko yung newspaper sa paghahanap ko ng mapagbabalingan. Kahit luma na, ewan ko ba kung bakit nanghihinayang akong itapon kaagad. Siguro likas sa pagkatao ko ang pahalagahan ang mga sulating kung anu ano.

Kaya nga hindi gaano nagkakainteres sa pagbabasa ng dyaryo simula ng bata aq. Kita mo dami highlights. Sakit sa ulo, sumuko muna ako at humiga na lang.  Gumamit na din ako ng dictionay that time. Para kasing napapaisip na ako kung sang lupalop kaya kinuha ni writer itong mga words niya.

Minsan wala din akong naiintindihan. Parang bitin yung nababasa ko. Parang kailangan ko pang yata ng training o mag aral ng politics101 o journalism.

Bigla ako napaisip. Naipaaabot pa kaya nila ng mabuti ang mensaheng gusto nilang iparating? Lalo na sa mga pangkaraniwang tao? Nakakapanghikayat pa nga kaya sila ng mambabasa?



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...