Ang pagkain, parang libro lang. Minsan nakakahiyang sabihin. May mga taong mapapa- "whaaaat?" pag malaman nila na kakaiba yung trip mong food sa trip nila. Ipaparamdam na para kang alien na nanggaling sa ibang planeta. This is where we learn hypocrisy, the common option for us to feel we belong.
Sa mga pagkakataong ito, hindi ba pwedeng maging kakaiba? Can't we be real? Can't we respect each other's uniqueness?
May mga taong sobrang opinionated. Hindi natin binibigyan ng pagkakataon na maexperience ng ibang tao yung mga bagay, hindi natin naeencourage na mailabas nila yung creative side sana nila DAHIL inuunahan na natin agad ng sarili nating opinion. "Bakit ganyan, bakit ganun?" Unsolicited advice.
Minsan sa aking ojt, one of the staff cooked dinendeng. Parang ewan lang yung lasa. Parang hinalo halong gulay lang na nilubog sa sabaw na hindi maintindihan ang lasa. I did admire how everyone was silent and still ate generously, walang fuss. Walang nagsasalita ng patalikod. And during that time, we ate in one table, hindi kanya kanya. I really do admire them. Not all of them, but most of them.
One of the reason why I have never learned how to cook complicated food is, they've never let us cook to avoid wastes and mistakes. Why not if it's easier and more efficient when done by someone better? But it also shows their lack of patience and sensitivity. Yung mga sunog na kanin, nasobrahan sa alat, nagkamali sa pagkakasunud sunod, hindi man sila kanais nais pero part yun ng experience. First hand experience is still the best teacher, and mistakes is an inevitable part of it. Magkakamali at magkakamali tayo. Bakit hindi natin (nila) hayaang maranasan ng mas maaga yun, para habang maaga pa lang mas marami na rin tayong matututunan.
At naaalala ko pa din nung nag babalat ako ng hotdog, and the comment made me feel like, para magbalat lang ng hotdog (which is not a very complicated thing to do, at sa tinagal tagal ko ng nagbabalat at nagluluto ng hotdog) may mali ba sa ginagawa ko? Is there a general rule of thumb that I missed?