Thursday, November 28, 2013

Morning Alone?



Parang napakawalang kwenta ko lately. As much as I wanted to be with him, bangag talaga ako. Sabi ko nga last time, sleeping habit ko. It's hard to adjust especially now.

Siguro kahit na walang ganong pisikal na ginagawa, utak ko ang umuubos ng lakas ko kakaisip ng kung anu ano. Sad to say, parang 3 weeks ng isang buwan ko ang ganito. Siguro nga, kailangan ko ng magpacheck up. Pero pag naiisip akong gagastos ako, nag aalangan ako.

Pinapatay ko yung pakiramdam na dapat ako makonsensiya. Panu yun? Wala akong emosyon na nararamdaman, parang manhid, dinedetach ko yung sarili ko sa pakiramdam else iiyak ako ng wala sa oras. Iiyak pero wala naman magbabago sa oras na nasayang? Para akong nagtake ng pampamanhid na droga, risky. Kalaunan, may masama ding epekto sa kalusugan ko.

Ayaw ko yung pakiramdam na 'pakiramdam nya' na binabalewala ko siya. Parang ang dami ko ng kasalanan ngayon. Alam kong walang kwenta na ako sa part na napakalayo ko sa kanya, madadagdagan pa ba yun?

Ngayon, parang nawawala na siya sa buhay ko sa kadahilanang wala ako sa gabi para makasama niya dahil maaga ako natutulog, gaya din nung nagrereview siya. Masisisi mo ba ako when its how it used to before? Pero gurl iba na ngayon at relationship ang pinag uusapan. Wala din siya sa umagang nakasanayan ko na lagi siyang nandiyan upang bumati sa akin ng magandang umaga. Magigising na lang siya na nasa trabaho na ako. Kaya simula ngayon, siguro talagang mag isa na lang ako, maliban dun, magkakalayo loob namin dala ng walang matinong komunikasyon.

Labis akong nalulungkot sa ganito. Napanghihinaan ako ng loob. Maaaring isang araw imumulat ko na lang ang mga mata ko, isa lang palang mahabang panaginip. Na once upon a time, nag ilusyon nanaman ako.

Sana.
Magising pa din siya ng maaga. Magigising pa nga ba siya?

So?
-Ayaw ko ng kape. Masama sa health ko dahil medyo may problema ako sa nerve, nanginginig ako at nawawalan ng balanse. Pero try ko uminom mamaya. Para naman kahit papano may nagawa ako.
-Nakakadismaya na hindi ko mahanap ang simcard ko.

 ------------------------------
Nagising siya ng maaga. O.A. lang ako noh? SIgh. Epekto nang nakatulog.



4 comments:

  1. baka nga kc uala k ng tym xkny..llu n long dztance rltionxp keu dpt kz cnsvmu zkny lht ng gngwa mu pra hnd nya iniicp n bnabalewala mu n xa..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi.. wala lang to actually.. out of the blue. Natulugan ko kasi siya.. XD kaya nag eemote ako nung nagising ako. Saka alam mo na bagong gising lang...

      Delete
    2. hnd ngaapear z notificationq reply mu z blog mu hanubayan..dq 2loi alm qng ngreply k
      ayts hehe aku dn kdlsan nkkatuluganq xa

      Delete
    3. hala hindi ko alam.. sure ka? bat kaya... sakin naman nag aappear... unless nag post ka ng new post.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...